September 28 — binabayo ng bagsik ni Milenyo ang Bicol, Laguna, Batangas, Cavite, Manila, Bataan at Zamboanga…
Dahil mabait ako at responsable, pumasok ako sa opisina dahil hindi sila makapagpasya ng wala ako …
Mga bandang alas-10 ng umaga nang magsimulang humagupit ang bagyo… nagliliparan ang kung ano-ano sa paligid namin… ang tubig sa kalapit na ilog ay tumataas na… at dahil natatanaw na namin siya sa aming kinalalagyan… alam naming malamang na lampas na siya sa kalsada…
Nang unti-unti na siyang humupa doon namin nakita kung gaanong pinsala ang idinulot ang ilang oras na paghagupit ng bagyo iyon…
Â
Tunay na kayang baguhin ng tubig ang anyo ng lupa…