Ilang gabi na lang at magwawakas na ang kwento ni Jennifer at ni Adrian…
Inaabangan ng buong Pilipinas ang mangyayari… kagabi, matapos ng isang masalimuot na plano, nakatakas na sina Jennifer at Jeremy mula kay Benicio… at sa wakas magkasama na silang lahat, habang si Benicio ay ayaw matulog dahil sa sinabi daw ni Russel na isang umaga magigising na lamang siyang wala na ang lahat ng mahal niya sa buhay…
Tulad ng isang tipikal na teleserye… matamang sinusubaybayan ng buong bayan ang kwento nina Adrian at Jennifer… marahil may ilan pa riyang nakaka-relate sa kanilang pinagdaanan… subalit tulad ng mga nakaraang mga teleserye… ang pagtatapos kaya nito ay gaya rin ng inaasahan?
Ewan ko? Basta ang alam ko mamaya at bukas ng gabi, aabangan ko ang mangyayari…
… sa piling niya…